May kaibigan ako ang pangalan ay Phillip. Si Phillip ay isang pinuno sa simbahan.May isang membro ng simbahan ang pangalan ay Edgar and tungkulin ni Edgar ay isang clerk.Si Edgar ay may sakit sa baga,ang baga nya ay kalahati na, sya ay 36 yrs old may 5 syang anak ang mga anak nya ay maliliit pa ang pinaka matanda sa mga anak nya ay grade 5 kaya sya lang yong maaasahan at yong asawa asawa nya.Maglakad lang sya ng kaunti tumutukod na sya,halos di na sya makahinga mahirap lang sila kaya pag nag sisimba sila naglalakad lang sila tulad namin dati.Ang gawain ng isang clerk ay mahirap para sa kanya kasi bukod sa buong araw sya sa simbahan tuwing linggo madalas sa loob ng isang linggo mga 3 beses sya nagpupunta sa simbahan.Dahil very active sya sa simbahan kahit na may sakit sya, natawag ung pansin ni Phillip ung nalaman nya na ganun ung sitwasyon ni Edgar tuwing nagkikita sila sa simbahan binibigyan ni Phillip Si Edgar ng isang kilo na bigas, lucky me,at isang dilata.Madalas ito ginagawa ni Phillip.Isang linggo napansin ng mga membro ng simbahan na tuwing linggo may pagkain na inuuwi si Edgar.Minsan nagkaroon ng pagpupulong sa simbahan at na question ung ginagawang pag tulong ni Phillip kay Edgar.Si Phillip ay 6 yrs ng bishop sa simbahan marami na syang natulungan.Kaya nagulat sya ung na question yong pag tulong nya sa isang member ng simbahan.Yong tinanong sya kung bakit nya ito ginagawa hindi siguro maganda yong dating sa kanya kaya sinabi nya sa mga mas matataas sa kanya kung ang problema nyo ay yong pag tulong ko kay Edgar mag papa release na ko sa calling ko.At ipagpapatuloy ko yong pag tulong ko sa kanya.Nagulat ung mga pinuno ng simbahan bakit ganun ung ini responce nya sa kanila,kaya tinanong nila Si Bishop Phillip.Ikinuwento ni Bishop Phillip kung gaano ka Faithful si Edgar at kung gaano ito nahihirapan sa sitwasyon nya.Na kaunting lakad lang halos maubusan na sya ng hininga.Yong nalaman ito ng stake Presidency hinanap nila si Edgar at sila na ung tumulong kay Edgar at Family nito.pero sa loob ng 3 buwan na pagtulong ng simbahan kay Edgar si Edgar ay namatay.
Alam ko kung gaano kahirap ang gawain ng isang clerk kasi ang kuya ko ay isang clerk ngayon sa simbahan.Ang simba namin ay 9am, ang tapos ay 12pm.Madalas pag nagsisimba kami tuwing Umaga hindi na kami kumakain, pag uwi nalang namin ng 12pm pero ang kuya ko inaabot sya ng 8 0 9pm sa simbahan ng walang kainan, minsan hinihintay ko pa nga sya umuwi para may kasabay sya.At madalas sa loob ng isang linggo 3 beses sya nagpupunta sa simbahan para asikasuhin ung calling nya bilang isang clerk at isang kristyano.Nagtatrabaho kami sa simbahan ng libre hindi po kami binabayaran.Sa pagtupad sa calling namin ng may kusang loob sa simbahan , jan namin napapakita kung gaano namin kamahal ang Diyos.
Friday, May 8, 2009
Subscribe to:
Posts (Atom)